Monday, May 26, 2014

Happy By Pharrell Williams


          Ito ay awit ng mga taong masayahin. Mga taong malawak ang imahinasyon. Kayang maging masaya at kalimutan ang problema upang gumanda ang araw. Mga taong ginagawa ang lahat ng gusto nila at hindi hinahayaan na humadlang ang sinuman. Mga taong ginagawang masaya ang lahat ng bagay. Kayang ipaglaban ang kasiyahan niya.

          Mayroon itong masiglang tono at ritmo na angkop gamitin sa isang sayaw. Sa oras na marinig mo ito hindi mo mapipigilang igalaw ang ulo, mapaindak at pumalakpak ang mga kamay. Hindi na ito mawawala sa isip mo o tinatawag din na LSS. Magiging masaya ka talaga kapag pinakinggan mo ang awit na ito.


          Sinasabi dito na kung saan ka mas sasaya, iyon ang piliin mo. Kung ano ang kasiyahan para sayo ipagpatuloy mo, gawin mo at ipagmalaki mo. Sapagkat ang kasiyahan ang susi sa isang matiwasay na pamumuhay. Kung masaya ka sa kung ano ka man o kuntento ka sa katayuan mo sa buhay at hindi mo inaalala  ang iisipin ng iba sayo, magiging masaya ka sa sarili mong paraan.