Monday, June 2, 2014

Ako’y Sa’yo at Ika’y Akin Lamang By IAXE



   Ang awit na ito ay ang mga saloobin ng isang taong hindi nakalimot sa sumpaan nila ng kaniyang minamahal. Kahit na siya na lamang ang nakakaalala sa kanilang pangako, handa pa rin na tuparin ito. Maghihintay ng kahit gaanuman katagal, hanggang maalala sya ng kaniyang kasumpaan. Isang taong hindi kayang bumitaw kahit siya na lamang ang nakaka-alala sa pangako nila sa isa’t-isa.

          Ang tono ng awit na ito ay tila ba puno ng kalungkutan. Kung dadamdamin ng mabuti ito habang kinakanta o tinutugtog ay maaring umagos ang luha sa mga mata ng musikero. Malinaw ang liriko dahil hindi na kailangang siyasatin ng husto para maramdaman ang mensaheng ipinararating nito sa mga nakikinig. Kung sino man ang mapag-aalayan ng awit na ito, pihadong mapapatigil dahil sa naguumapaw na emosyon na nanggagaling sa awiting ito.

          Maraming tao ang nangangako ngunit kadalasan ay hindi na ito natutupad. Marahil ay nasa iba na ang atensyon o di kaya ay may bago na silang minamahal. Marami rin ang umaasa pa sa mga pangako kahit na halatang-halata na na hindi na ito matutupad, dahil mahal na mahal nila ang kanilang kasumpaan.

No comments:

Post a Comment