Ang
awitin na ito ay mga saloobin ng isang babaeng umiibig ng lubos ngunit hindi
alam ang gagawin. Sa unang beses pa lamang na sila ay nagkatagpo ay umibig na
siya agad. Isang babaeng gustong makasama ang minamahal ngunit hindi kayang
ipagtapat ang kanyang nararamdaman. Nagnanais na mahalin din siya kagaya ng
pagmamahal na ibinigay nya. Babaeng pinili na lamang na umiwas upang hindi na
masaktan.
Malungkot
ang mood ng awit na ito. Malungkot ngunit mararamdaman pa rin ang pagtanggap at
pagiging kuntento sa mga pangyayari. Napaka-sarap sa tainga kapag pinapakinggan
ang awiting ito. Napaka-lamig ng tono. Talagang angkop na awitin ng isang
babae. Magandang awitin ito sa saliw ng gitara, magiging tunog acoustic ito at
lalong lalabas ang pagiging malamig ng tono nito.
Maraming
kababaihan ang nakakaunawa sa awit na ito. Maraming babae ang nagmamahal ng
pasikreto o palihim. Dahil sa ating kultura, ang mga lalaki ang gumagawa ng
unang kilos/ nanliligaw. Marami na nga sa mga kababaihan ang nagsasabi na “Ang
hirap maging babae, kapag may natitipuhan ka ay wala kang magawa kung hindi
tumingin na lamang”. Ang mga ganitong sitwasyon ay hindi natin matatawag na
isang problema sapagkat parte ito ng ating kultura. Ang tanging kailangan lang
para hindi malungkot ay tanggapin ang sitwasyon o kalimutan na lamang ito.
No comments:
Post a Comment