Pamuni-muni
lamang ang mood ng awitin na ito. Mararamdaman ang pagkatamad. Walang masyadong
enerhiya. May pagka-reggae ito sa unang pakinig ngunit ito ay isang uri ng pop
song. Dahil sa mga mapaglarong nota ng awiting ito ay mapapagalaw ang iyong ulo.
Noong unang beses na napakinggan ko ito ay para bang nakawawala ng gana. Tila ba
nakahihigop ito ng enerhiya o masasabi na rin na ako ay biglaang tinamad.
Ang pagkawala
ng gana na kumilos para simulan ang maghapon ay maaring magdulot ng isang araw
na masasayang lamang. Oo hindi maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon pero wag
nating kakalimutan na tayo pa rin ang magpapasya kung ano ang mangyayari. Tayo ang
magpapakilos sa sarili natin. Simulan natin ang umaga sa pagiging masiyahin,
sapagkat ang isang umaga ay isang panibagong simula.
No comments:
Post a Comment