Wednesday, June 4, 2014

Sooner By Andrew Allen




          Ang awiting ito ay tungkol sa pagpapahayag ng isang lalaki kung paano nya mahalin ang kanyang babaeng iniibig. Sinasabi sa awiting ito na ang natatanging babae lamang na iyon ang bumubuo sa kanyang mundo. Isang babaeng may kumikinang na mga mata. Isang pagpapahayag kung paano sya nahuhumaling sa iisang babae lamang.

          Ang tono ng awitin na ito ay may pagka-Pop song. Ito ay awit ng isang taong inspirado. Tao na laging nabubuo ang araw makasama lamang ang minamahal. Tao na laging tumatakbo sa isip ang minamahal. Ang tono nito ay tila ba nagpapahiwatig ng sobrang kaligayahan sapagkat kapiling nya ang kanyang iniibig. Kung iisipin ay napaka-sarap sa pakiramdam at nakaka-relax ang himig. Sa pagtaas at pagbaba ng tono at sa tiyempo nito na may katamtamang bilis ay mapapagalaw ang ulo, mapapa-palakpak ang mga kamay at mapapapitik ang iyong mga daliri.

          Tunay nga na napaka-sarap na umibig. Tila ba tumatalon ang iyong puso tuwing naiisip ang minamahal. Mabubuo na ang isang araw kapag nakasama ang iniibig. Laging napaka-saya at tila ba nababaliw. At kasama na rin ang pagpapasalamat sa Diyos na naging dahilan kung bakit sila nagkakilala ng kaniyang sinisinta.

No comments:

Post a Comment