Ang awit na ito ay naglalaman ng mensahe ng mga lalaking
tunay na umiibig ngunit hindi nabibigyang pansin nang dahil sa may ibang mas
gwapo o may ibang gusto ang kanilang natitipuhan. Sinasabi sa titik o lyrics na
“Akin ka na lang, iingatan ko ang puso mo” sapagkat marami sa mga kalalakihan
na hinahabol ng mga kababaihan ay pinaglalaruan lamang ang kanilang damdamin.
Sinasabi rin sa lyrics na “Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa
kanya”. “Liligaya ka sa piling ko”, at nagpapahiwatig rin na mas sasaya at
hindi masasayang ang oras kapag sya ang pinili.
Ang tono ng kanta ay angkop na angkop sa lyrics nito, na
tila ba nagmamakaawa. May pagka-pop at may pagka-reggae ang dating. Nakaka-LSS
( o Last Song Syndrome ). Simula ng narinig kong pinapatugtog ito ng aking
kaklase, hindi na ito nawala sa isip ko. Hindi ko mapigilang kantahin ito ng
paulit-ulit sa isip ko. Tamang-tamang patugtugin ito kung ikaw ay inspired, o
di kaya’y nababagot. Madali kang magkakaroon ng good vibes.
“Ang totoo’y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako.”
Ang lyrics ay tila likha rin ng isang maari nating tawaging torpe. Marami ang
nasasapul ng lyrics nito sapagkat marami nga ang mga torpe. Kaya naman hindi na
nakakapagtaka na nag hit ito sa loob ng limang araw.
No comments:
Post a Comment