Thursday, April 17, 2014

Ngiti by Ronnie Liang


          Si Ronnie Liang ay isang Pilipinong mang-aawit. Siya ay bunso sa pitong magkakapatid sa isang pamilyang hindi masyadong mayaman. Dahil dito, nangarap si Liang na iahon ang kanyang pamilya sa hirap. Naging masigasig siya sa pag-aaral. Pinag-aral niya ang sarili sa kolehiyo, at nagtrabaho siya sa isang fastfood chain. Siya ay nagtapos ng kursong Edukasyon sa Holy Angels University.

          Ang titik ng awit na ito ay mensahe ng isang  taong palihim na umiibig ng lubusan. Ngunit hindi magawang magtapat sa babaeng kanyang iniibig. Para sa kaniya, perpekto na ang lahat ng katangiang mayroon ang babaeng iniibig nya. Isang lalaking tila ba nalulusaw kapag nakikita ang minamahal. Ang mundo ay tumitigil kapag nakakasama ang kanyang minamahal. Isang lalaki na nais mapansin ng kanyang minamahal. Malaman lang na iniibig din sya ng minamahal ay tila ba kumpleto na ang buhay.


          R&B ang uri ng tono ng awit na ito. Puno ito ng emosyon. Tila ba nagsusumamo na mapagbigyan ang gusto, ang mapansin ang lihim na pagtingin. Ayon sa mga usapan sa internet, angkop na angkop kay Ronnie Liang ang awit na ito. Maraming magkasintahan ang gumamit ng awit na ito kanilang theme song. Hindi ito masyadong sumikat sa mga kabataan. Siguro ay dahil sa malalalim na mensaheng hatid nito. Isa itong karangalan sa industriya ng musika sa Pilipinas.

No comments:

Post a Comment