Ang awit na ito ay mensahe ni Dao Ming Si para sa isang
babae na nagngangalang Shan Cai.
Nasasaad sa kantang ito na hindi nagugustuhan ni Dao Ming
Si ang nararamdaman nyang paghanga kay Shan Cai. Natatakot syang magmahal ng
isang maralita sapagkat sya ay galling sa isang mayamang pamilya, dahil para sa
kanya ang pera ang nagpapaikot sa buhay. Ang mensahe ng lyrics nito ay nagpapakita
na kahit gaano pa ang pagtataboy ni Dao Ming Si kay Shan Cai ay hindi pa rin
mapipigilan ang pusong nagmamahal.
Ang tono ng kanta ay angkop sa mensaheng ibinibigay nito,
may pagka-pop at nakaka-LSS (o Last Song Syndrome). Maraming naantig na puso sa
mensahe ng kanta. Malaki rin ang naging parte ng tono ng kanta sa naging pagsikat
nito.
Marahil ay hindi ko na naabutan o wala pa akong malay
noong panahon ng kasikatan ng kantang ito, pero nararamdaman ko sa muling
pag-ere ng palabas at sa pakikinig na rin mismo sa kanta kung gaano kalakas ang
naging dating nito sa marami.
Sa mga mamamayang Pilipino, madali itong sumikat dahil
nga sa nakaka-LSS nitong tono, at dahil hindi nila ito naiintindihan sapagkat
nasa wikang intsik ang lyrics nito. Mabuti na sa panahon natin ngayon kung saan
madaling hanapin ang anuman sa internet, may pagkakataon ng maunawaan ang
kahulugan sa pamamagitan ng paghanap ng translation ng awit na ito.
No comments:
Post a Comment