Monday, April 7, 2014

Dati by Sam Concepcion


          Si Samuel Lawrence Lopez Concepcion ay isang Pilipinong mang-aawit, mananayaw, aktor at host. Nanalo sya sa Big Division of Little Big Star`s Season 1 noong April 2006. Si Sam ay anak ng mga dating aktor sa teatro. Dalawang taong gulang pa lamang ay nakakasayaw at nakakakuha na siya ng tono ng mga awit.

          Ang mensahe ng lyrics ng awit na binanggit sa itaas ay para sa mga magkababatang naging magkasintahan ngunit nagkalayo. Sila ay laging magkasama araw-araw, sa lahat ng gagawin. Laging magkasamang maglaro. “Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari” ang sinasabi sa koro. Laging silang naglalaro ng maliit na kaharian nung bata pa. Gustong-gusto na nilang ibalik ang “Dati”. Ngunit marami ng nagbago.

Hindi na maipagkakailang R&B ang tono nito. Madaling makadala ng emosyon ang tono nito. Tila ba kapag inawit mo ito ay nanggagaling agad ito sa puso. Napakasarap sa pakiramdam kapag inaawit o tinutugtog ito. Maririnig mo ito kahit saan ka pumunta sapagkat sikat na sikat na nga ito. Maraming magkababata na nagkasundo ulit ng dahil sa mensahe ng kanta na ito. Naaalala nila ang nakaraang puno ng kasiyahan lalo na kapag naglalaro. Isang awit na nagpapaalala ng mga alaalang hindi na maibabalik pero makapagpapatunay nang isang samahang nagmula pagkabata.




             

No comments:

Post a Comment