Ang awit
na ito ay una inilunsad sa publiko noong 2003, ngunit hindi ito pumatok. Matapos
na
i-post ni Angelito Paudan sa internet ang bersyon ng awit
na ito ni Lexter Jimenez ay nag-“Viral” ito sa YouTube. Dahil sumikat ito, isinama
ito ng Star Records sa album na “The Original Pusong Bato”. At ginamit din ito
bilang isang background music ng isang sikat na teleserye ng ABS-CBN na may
pamagat na Juan Dela Cruz.
Ang daloy
ng awit ay may kinalaman sa hinanakit ng isang taong lubusang nasasaktan dahil
pinaasa lamang siya ng kanyang minamahal. Noong nakilala niya ang babae ay
inakala niyang magiging langit na ang buhay nya, ngunit magiging sakit lamang
pala ito ng ulo. Ang koro ay nagsasabi na kung muling iibig ay sana hindi na
katulad ng nanakit sa kanya. Tulad niya na may pusong bato.
Ito ay
isang uri ng Rock & Ballad o mas kilala sa tawag na R&B. Ang tono ay
puno ng emosyon. Napakaganda ng pagkakasaayos ng mga nota nito. Nakalulungkot
na marami ang nakokornihan sa awit na ito dahil sa sobrang lalim ng lyrics
nito. Ngunit ang korning tunog na nagmumula sa lalim ng emosyon ang malamang na naging dahilan ng pagsikat
nito. Hindi ito nakasanayang patugtugin kapag nagmu-mukmok taliwas sa mensahe
nito. Madalas itong patugtugin kapag nagkakatuwaan, dahil para sa iba
nakakatawa ang lyrics nito. Umabot muna ng halos isang dekada bago ito makilala
ng marami. Ibig sabihin ay hindi lahat ay dumarating agad-agad, kailangan ng
konting pasensya dahil lahat ay dumarating sa tamang panahon.
No comments:
Post a Comment