Sunday, April 13, 2014

I Won’t Give Up By Jason Mraz



I Won’t Give Up
By Jason Mraz



          Si Jason Mraz ay isang mangaawit at kompositor. Ang mga magulang niya ay naghiwalay noong apat na taong gulang pa lamang siya. Ang awit na I Won’t Give Up ay isa sa mga likha ni Jason Marz na sumikat at tinangkilik ng marami. Marami ang nakaka-palagay ng loob rito. Dahil marami rin ang may status na “It’s Complicated” ngunit hindi pa gustong bumitaw sa relasyon.

          Nasassaad sa titik nito kung paano nabihag ang puso ng isang lalaki sa isang babae. Lahat ng katangian at lahat ng kung anong kakaiba sa isang tao. Ang koro nito ay nagsasabi na hindi susuko sa pag-iibigan nilang dalawa kahit na ano pa ang mangyari. Kahit magkabali-baliktad pa ang mundo.

          Acoustic ang awit na ito. Madaling damahin ang tono, na simple lang at mahinahon. Sa huling parte ng awit ay mas lalo pang napuno ng emosyon. Maraming mga magkasintahan ang ginamit ang awit na ito bilang kanilang theme song. Ang iba naman ay nasasaktan kapag naririnig ang awit na ito. Sapagkat nakapagpapaalala ito sa kanila ng pagiibigan na hindi na nasolusyunan at nauwi sa hiwalayan. Sa aking opinyon, ang I Won’t Give Up ay katumbas ng awit na Buko na likha naman ni Jireh Lim isang Pilipino, dahil sa halos kaparehong mensahe na nais ipadama.

No comments:

Post a Comment