Ang
callalily ay isang bandang tumutugtog ng Alternative Rock. Binubuo ito nila Kean Cipriano, Tatsi Jamnague, Aaron
Ricafrente at Lemuel Belaro. Maraming komposisyon ang pinasikat ng bandang ito.
Ang bawat
linya ay puno ng kalungkutan. Mga linyang naglalahad ng mga hinanakit ng isang
taong bigla na lamang iniwan ng minamahal. Tila ba pagkatapos ng isang kisap
mata ay nawala na ang pag-ibig para sa kanya. Isa na lamang ang natitirang
nagmamahal, at wala siyang magawa. Pero kahit hindi na sya minamahal ay
mamahalin pa rin nya ito habang buhay. Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa
pag-agos at mundong hindi tumitigil sa pag-ikot ang pag-ibig niya ay kahit
kailanman at anuman ang mangyari ay hindi matatapos.
Ang awit
ay isang uri ng alternative rock. Mayroon itong sweet na tono at mapapasabay ng
galaw ang ulo ng isang nakikinig sa taglay nitong beat. Bagaman sweet ang tono
nito, may halo pa rin itong paghihimutok na angkop sa mensahe nito. Noong bago
pa lamang ang awit na ito ay madalas itong maririnig kahit saan. Sa palengke,
karaoke, videoke, radyo at telebisyon. Ngayon ay bihira na lamang itong
marinig. Bagaman hindi lahat ay nagtatagal ng panghabang panahon, tulad ng iba nagkaroon
ito ng oras at panahon ng kasikatan.
No comments:
Post a Comment