Si Noel Cabangon ay isang Pilipinong mang-aawit
at kompositor, dating miyembro ng bandang Buklod. Kilala si Noel sa paglikha ng
mga awit na sumasalamin sa lipunan. Halimbawa na ang Kanlungan at Tatsulok. Ang
koro ng awit na ito ay nagsasabi na ang bawat pagkakataon ay dumarating minsan
lamang sa buhay ng isang tao. Oo maaring may ikalawang pagkakataon ngunit ito
ay hindi na katulad ng nauna. Ipinapaalala rin na ang kahapon ay hindi na
maaring balikan. Maaari itong alalahanin
o hanap-hanapin, ngunit ang mga bagay na nagawa na ay hindi na maaring gawin
ulit.
Ang tono
ng awit na ito ay nakaka-aliw sa tainga. Relaxing at nakararating sa puso?
Mapapaisip ka talaga sa mga alalaalang hindi mo makalimutan at sa mga
pagkakataong nasayang. Ako, halimbawa, bilang isang nagbi-binata, ay panahon na para magpaalam sa
pagiging bata. Isang batang walang pakialam sa kung anuman ang isipin ng iba,
basta ang importante sa isipan ng isang bata ay ang sumaya siya.
Marami sa
mga alaalang masarap balikan ay yung pagkabata. Tamang pana-panahon lang ang
mga pagkakataon. Kaya tamang lubus-lubusin na ito habang hindi pa huli ang
lahat. Upang sa huli, marami tayong aalalahanin at hindi manghihinayang sapagkat
nabuhay ng masaya.
No comments:
Post a Comment