Ang awit
na ito ay panalangin sa Diyos ng isang taong umiibig. Isang taong gustong
makasama lagi ang mahal nya. Isang taong ipagpapalit ang lahat para lang sa
iniibig nya. Handang isigaw sa mundo kung sino ang mahal niya. At nangangakong wala nang hihigit pa sa
pag-iibigan nilang dalawa.
Ang tono
ng kanta ay bagay na bagay sa title nito. Napakalamig sa tainga at nakakarelax.
Ito ay isang uri ng country song. Tulad ng iba pang mga komposisyon ng Apo
Hiking Society, nakaka-LSS ito. May indayog ang beat at mapapasayaw ka talaga.
Hindi ko mapigilang igalaw ang ulo ko kapag naririnig ko ang awit na ito.
Napakaganda ng pagkakagawa ng lyrics nito at tila ba nakaka-inspire. Marami ang
nakakarelate sa kantang ito nang dahil sa lyrics na hanggang sa ngayo’y
napapanahon pa. Hindi na rin nakapagtataka na humakot ito ng maraming parangal.
Ang awit
na ito ay masasabi kong imortal. Bagaman napakatagal na panahon na mula ng ito
ay pinasikat at kung tutuusin ay mas matanda pa sa akin, hanggang ngayon ay
sikat pa ito at marami pa rin ang kumakanta. Nawa ay marami pang sumunod na
ganitong komposisyon ang mga Pilipino. Ito ay maituturing na world-class.
No comments:
Post a Comment