Ang
mensahe ng awit na ito ay para sa dating minamahal na nawalan na ng
komunikasyon. Isang pag-alala sa mga nakasanayan nilang gawing magkasama noong
sila ay magkasintahan pa. Isa na lang sa kanilang dalawa ang natirang
nagmamahal. Nais nang ibalik ng lalaki ang nakaraan nila ngunit wala siyang
alam na paraan upang mahanap kung nasaan ang minamahal niya.
Ang pagkakaayos
ng mga nota ay maganda. Ang tono ay maypagka-R&B. Mayroon itong nakakakilig
na tono. Ang pambungad ay sapat na sapat upang iparamdam ang mensahe ng awit.
Sumikat ang na awit ito dahil marami ang naantig sa mensahe. Tila ba marami na
ang nakaranas ng ganoong sitwasyon. Nakatulong rin ang tono nito, dahil
naninirahan ito sa isip at sa puso. Hindi nakakasawang pakinggan ng paulit-ulit.
Isa lamang ito sa mga awit na likha ni Jireh Lim na biglang sumikat nang dahil
sa awit na ito.
Nang
panahon ng kasikatan nito, maririnig ito kahit saan ka magpunta dahil laging
ito ang pinapatugtog pati na rin sa radio at telebisyon. Nasundan ito ng isa
pang kanta ni Jireh Lim na Magkabilang Mundo. Ngunit hindi ito sumikat na kapantay
ng Buko. Sa ngayon, madalang nang marinig na may nagpapatugtog nito, siguro nga
ay pana-panahon lang.
No comments:
Post a Comment