Tuesday, April 1, 2014

Musika




          Ang musika ang ekspresyon ng ibat-ibang uri ng emosyon: saya, lungkot, galit, pagmamahal, at kung minsan ay papuri. Mga emosyong nagmula sa damdamin. Ang musika ay isang bagay na hindi nakikita o nahahawakan. Para sa iba ito ay naririnig lamang ng tainga, ngunit para sa isang musikero ang musika ay mula sa puso papunta sa puso ng mga handang makadama ng emosyon na gustong ipadama ng musikero.

          Ito rin ay isang paraan ng pagbibigay ng mensahe. Hindi tulad ng mga liham, ang musika ay mensaheng may kahalong emosyon, na kahit hindi ginagamitan ng mga salita ay madadama mo na ang mensahe ng isang tao. Nagiging posible ang bagay na ito sa pamamagitan ng pag-ibig, sapagkat ang musika ay ang lengwahe nito. 
         
          Isa rin itong paraan upang manalangin sa Panginoon, dahil ang musika ay nanggagaling sa puso ng bawat isa. Ang mga kantang inaalay sa Panginoon ay mga mensaheng galing sa puso ng mga  gumawa nito. Maraming uri ang musika: Blues, Classical, Country, Electronic, Jazz, Latin, Pop, Metal, Punk, Rock, Rap, Reggae at R&B. Lahat ng mga ito ay may kanya-kanyang lagay ng loob o sa wikang ingles ay “mood”. Ang mood ng kanta ay ang syang iniuugnay ng musikerong tutugtog o kakanta nito sa kanyang puso upang maipahayag ng ganap ang mensahe ng kompositor ng kanta sa mga manonood.

No comments:

Post a Comment